Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 13, 2012

Erwan Heussaff, ayaw ng TV interview



MAKAILANG beses na naming hinigan ng pagkakataong makapanayam si Erwan Heussaff para sa kinabibilangan naming TV5 show na “Ang Latest,“ pero ayaw talaga niya.

Paliwanag ni Erwan, “I don’t do TV because it’s not me. It’s not my job, no. I don’t have time to go to shows or anything. I have a work every day.“

Noong nakaraang October 7, 2012, sa Rudy Project Challenge Triathlon sa may Republic Wakepark sa Nuvali, Sta. Rosa (Laguna), nakausap namin si Erwan pagkatapos niyang sumabak sa naturang sport event. Hindi na pala siya baguhan pagdating sa mga ganitong klaseng atlethic competition.

“Yes, I’m doing it for a year now,” sabi niya. “I think I did okay today.”

Isa rin daw ito sa mga paraan niya para maging fit.

Sa ngayon, masaya naman daw siya at proud sa natamong kasikatan ng kanyang kapatid na si Solenn Heussaff.

Papuri pa niya sa kapatid na aktress, “Good. Good. I’m proud of her (Solenn), and she’s talented, in everything she does, in showbiz, modeling and in her singing career.”

Pagdating naman sa kanyang sweetheart na si Anne, all praises lang si Erwan sa kanya.

Pagmamalaki pa niya sa nobya, “Good. I’m proud of her also, she’s been doing good in her work and I’ll support her all the way.”

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: