Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

EDGAR ALLAN GUZMAN Kabila - Kabila Ang Trabaho!


ISA NA siguro sa pinaka-indemand na young actor sa ngayon ay si Edgar Allan Guzman. Kabi-kabila ang trabaho ngayon ng dating Mr. Pogi at nga-yon nga ay pinatunayan na niya sa kanyang sarili na hindi lang siya guwapo kundi may talent din sa pag-arte, pagsayaw at pagkanta.

Nitong nakaraang Famas Awards, isa si Edgar sa ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Awards at ipinagpasalamat ito nang malaki ni Edgar sa Master Showman sa pagkasama sa kanya sa iba pang ginawaran ng parangal na sina Daniel Padilla, Derrick Monasterio, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. Pangako ni Edgar, “Isa ako sa mga napili ni Kuya Germs and thankful ako sa kanya at kahit papa’no ay napansin niya ako, and nakita niya na puwede akong magandang ehemplo sa mga kabataan na nagangarap. Para sa akin, huwag ka-yong mag-alala, Kuya Germs, at pagbubutihan ko pa po.”

Busy ngayon si Edgar sa shooting ng pelikulang Mga Kuwento ni Lola Basyang. Isa siya sa mga bida sa twinbill na ito mula sa Unitel Pictures at Studio5. Ang isa pang episode ng pelikula ay pagbibidahan naman ni Alex Gonzaga.

Marami ang bumatikos noon nang nagkaroon ng tampuhan sina Edgar at ang kanyang manager na si Noel Ferrer dahil sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang mga proyekto at sa kanyang lovelife. May mga nagsasabi ring mas inuna pa daw ni Edgar noon ang kanyang lovelife kaysa sa mga proyektong dapat ay pagtuunan niya ng pansin. Kasintahan pa noon ni Edgar si Johlan Veluz, na miyembro ng Sexbomb Dancers.

Muli naming inusisa si Edgar tungkol sa kanyang lovelife. Pero umiiwas ito noong una. Pabiro niyang sagot, “Siguro para sa akin huwag na nating pag-usapan ‘yun. Ganda ng career ko eh, bongga. So ang latest kay Edgar ay trabaho, trabaho, trabaho.”

Pero nang tanungin namin si Edgar kung ano nga ba ang matimbang para sa kanya ngayon, walang kagatul-gatol nitong sinabi na career na muna at isinantabi na muna niya ang lovelife.

Kailan kaya dumating sa isipan niya na mag-focus muna sa magandang takbo nang kanyang karera. Paliwanag niya, “Ahm, nu’ng marami nang magagandang nangyari sa akin and pina-realize sa akin ng Diyos na parang dito ka mag-focus, dito ka magtatagumpay. So, para sa akin habang dumadami eh, nandiyan ‘yung opportunity na maipakita ko ‘yung mga talent ko sa mga tao. Ayun po, na realize ko na kailangan kong mag-focus dito, kasi alam ko may magandang resulta. Parang ito ‘yung mga dahilan kung bakit ako tinatapik ng Diyos.”

No comments: