Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Edgar Allan Guzman: Career Muna Bago Lovelife


ABALA ngayon ang young actor na si Edgar Allan Guzman sa shooting ng pelikula niyang “Pedrong Walang Takot,” isa sa episodes ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang” na entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2012.

Aniya, “Gumagawa ako ng movie ngayon for Unitel and Studio 5, ang ‘Pedrong Walang Takot,’ ‘Mga Kuwento ni Lola Basyang,’ entry po siya sa Metro Manila Film Festival ngayong December.

“Ako rito si Pedro, siya ay ipinanganak na may sumpa, so yung sumpa na yun ay yung necklace…. Kapag narinig yun nung Desdemona, kukunin siya, so natatakot yung mga magulang ni Pedro. So ako, binigay nila ako sa isang pari, si Padre Juan, si tito Pen Medina [ang gumanap], inampon niya ako. Lumayo kami.”

“Pumunta kami sa Cavite, dun kami naglakbay and then nakapunta kami sa isang baryo sa Pila, Laguna… Nakilala namin yung mayor at meron dung monster sa lugar na yun. Ang pangalan ay Bastian. So wala pang nakakatalo run. ’Yun, namili yung mayor kung sino ang puwedeng makalaban pero hindi nagpresenta si Pedro. Inaantay lang niya yung pagkakataong makalaban yung monster.”

“Si Pedro rito is matapang, kasi nga walang takot. Meron siyang kababata rito na ang pangalan ay si Chelsea, which is si Empress Schuck yung papapel at siya ang magiging ka love team ko dun. Mabait at mapagmahal siya.”

Hindi si Edgar ang original choice to play the lead role sa “Pedrong Walang Takot.“ Bale second choice lang siya rito.

Ano kaya ang masasabi niya na second choice lang siya?

Pag-amin niya, “Okay lang. Masaya ako kasi ang mga pinanggalingan ng mga pinagpipilian ay Ryan Agoncillo, Sid Lucero. So para sa akin okay lang. At least, di ba, ang every project naman ay kino-consider ko na big break para sa akin. So ako masaya ako.“

“Okay lang sa akin yun, walang problema yun sa akin basta ang mahalaga ako yung gaganap. At gagawin ko yun para sa mga tao,“ paliwanag ng actor.

Marami ang bumatikos noon nang nagkaroon ng tampuhan sina Edgar at ang kanyang manager na si Noel Ferrer dahil sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang mga proyekto at sa kanyang lovelife. May mga nagsasabi ring mas inuna pa raw ni Edgar noon ang kanyang lovelife kaysa sa mga proyektong dapat ay pagtuunan niya ng pansin.

Kasintahan pa noon ni Edgar si Johlan Veluz, na miyembro ng Sexbomb Dancers.

Muli naming inusisa si Edgar tungkol sa kanyang lovelife. Pero umiiwas ito noong una.

Pabiro niyang sagot, “Siguro para sa akin huwag na nating pag-usapan yun. Ganda ng career ko eh, bongga. So ang latest kay Edgar ay trabaho, trabaho, trabaho.“

Sa pangungulit namin kay Edgar, sinagot niyang mas pinili niya sa ngayon ang kanyang karera kaysa sa kanyang lovelife.

Kailan kaya dumating sa isipan niya na mag-focus muna sa magandang takbo nang kanyang karera?

Paliwanag niya, “Nung marami nang magagandang nangyari sa akin and pina-realize sa akin ng Diyos na parang dito ka magfocus, dito ka magtatagumpay.

“So para sa akin habang dumadami eh nandiyan yung opportunity na maipakita ko yung mga talent ko sa mga tao, ayun po, na realize ko na kailangan kong mag-focus dito kasi alam ko may magandang resulta.”

Dagdag pa niya, “Parang ito yung mga dahilan kung bakit ako tinatapik ng Diyos.”
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: