Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, October 13, 2012

DEREK RAMSAY May Career Pa Ba???


MAY CAREER pa pala si Derek Ramsay.

Hindi ko alam na malapit na palang ipalabas ang pelikula niya with Anne Curtis and Andi Eigenmann kung hindi ko pa nabasa sa Twitter.

The other day ko lang nalaman na may action-teleserye rin pala siya sa TV5 with another TV5 “starlet” named Ritz Azul kung hindi ko pa napanood ang showbiz show na Ang Latest.

Sa totoo lang, ito ang problema ng TV5, hindi yata kumikilos ang kanilang PR & Publicity Department at hanggang ngayon, nasa “starlet” category pa rin itong si Ritz kahit matagal na ito sa showbiz.

Hindi kasi nagre-reachout ang PR department ng TV5 para makilala ang mga alaga nila. Sa totoo lang, mas may impact pa sina Vin Abrenica, Akihiro Blanco and the Artista Academy wards nila kumpara sa mga naunang alaga nila na waley naman nagawa in the past two-three years of existence nila sa industriya.


By RK VillaCorta of Pinoy Parazzi

No comments: