Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

DEREK RAMSAY Aminadong Nawawalan Na Nang Dating??!!


HINDI MAN aminin ni Derek Ramsay, apektado ang actor sa ginawa ng ABS-CBN na pagbawalan sina Anne Curtis at Andi Eigenmann na banggitin ang pangalan niya sa promo ng kanilang pelikula. Pati nga TV trailer nito sa Dos ay kinatay ang kanyang mga eksena. Tuloy, walang gaanong impact sa manonood ang kanilang pelikula. Wala lang, parang commercial na dumaan lang sa manonood.

Kahit may galit si Derek sa Kapamilya Network, wala siyang magawa kung hindi tanggapin na lang niya ito. Balita nga, kahit photographers ng ABS Publishing ay pinagbawalan ding kunan ang actor. Iba kasi ang dating kapag sa Dos ka nagpo-promote ng iyong pelikula or concert dahil nakatutok ang buong mundo sa mga palabas nila.

Sa totoo lang, nabawasan ang kasikatan ni Derek nang lumipat ito sa TV5. Oo nga’t may mga bagong shows sa Kapatid Network pero ang tanong, may manonood ba? ‘Yung mga shows nga nila hanggang ngayon hindi makaabante, bagsak sa rating, palaging kulelat. Ito pa kayang shows ni Derek. Tanging Wil Time Big Time ni Willie Revillame at Face to Faceang mataas ang rating. Isabay pa namin ang tuluyang paghihiwalay nila ni Angelica Panganiban. Kahit may bagong dyowa ngayon ang hunk actor, hindi ganu’n kainit ang pagtanggap sa kanila ng mga fans.

Well, i-enjoy na lang ni Derek ang malaking TF na natatanggap niya sa Singko.

JoKer DeTor Showbiz Top i-News Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: