Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Derek, ipinakiusap sa 'Startalk'



KINUMPIRMA ni Anne Curtis na hindi tutulong ang mother studio niyang ABS-CBN 2 sa promo ng Viva movie niyang A Secret Affair na pinagbidahan niya kasama si Andi Eigenmann at Derek Ramsay.

Obviously, ang dahilan ay si Derek na lumipat ng TV 5.

Kung babanggitin ni Anne ang pelikula niya sa programa niyang It's Showtime, hindi puwedeng banggitin ang leading man niyang si Derek.

Nalungkot si Anne sa desisyong iyun ng Dos, pero wala siyang magagawa dahil nagtatrabaho lang siya.

"I was frustrated of the thought that I couldn't even say the name of my leading man on Showtime.

But, at the end of the day, that's the way it's supposed to be," lahad ni Anne sa presscon kamakalawa.

"I mean, they have their own reason so I have to respect that bilang nagtatrabaho po ako doon.

"So, ayoko na lang to imbibe the negativity. 'Di ba? Think about the positive na lang and all-out na lang on other channels."

Reaksyon ni Derek, "At first, my reaction was, I was a little bit upset, but I wasn't mad.

"Like Anne said, I'm sure they have their reason why so I will just respect it. What can I do? I respect the decision.

"We will just focus on the other channel or other promo. Sad, but that's the way it is."

Medyo mahirap talaga sa kalagayan nila dahil sa TV5 lang puwedeng mag-promote si Derek, at tiyak na hindi rin papayagang umapir doon ang dalawa niyang leading lady na parehong Kapamilya artist.

Kung sakali, makiki­usap sila sa GMA 7 na wala namang kinalaman sa naturang pelikula o hindi naman naka-tie up ito sa Kapuso network.

Nakiusap sila kung puwedeng mag-promote si Derek sa 17th anniversary ng Startalk, pero wala pa kaming sagot kung papayagan ba.

Doble dasal na lang sila at ginagawan ng paraan na makapag-promote sa ibang venue.

Matatandaan na nakailang shooting days na si Derek sa pelikula ng Star Cinema na The Mistress, pero tinanggal siya sa cast at pinalitan ni John Lloyd Cruz.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: