Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

DENNIS TRILLO Umamin Naranasan Na niyang Mag Padala Sa TUKSO!!!


INAMIN ni Dennis Trillo na minsan na rin siyang nilapitan ng tukso – at hindi raw niya ito nalayuan o naiwasan! Ayon sa boyfriend ni Bianca King, nangyari raw ito nu’ng college pa siya, as in talagang hindi niya nakontrol ang kanyang sarili para magpadala sa “temptation”.

Sa presscon kasi ng bagong primetime series ng GMA 7 na Temptation Of Wife na pinagbibidahan nina Dennis at Marian Rivera with Glaiza de Castro and new Kapuso actor Rafael Rosell, natanong si Dennis kung natukso na rin siya minsa sa kanyang buhay.

“Oo, pero huwag na nating idetalye, hindi ko na kasi maalala ‘yung buong kuwento.

Pero ang tingin ko diyan, natural na naman ‘yan sa mga lalaki talaga, dahil ito namang mga kuwentong ito, like sa Temptation Of Wife, may pinanggagalingan naman, e.

Hindi naman basta nangyari lang, may mga babae talagang ganu’n, ‘yung kahit alam nilang may asawa, gusto pa rin nila.

“Hindi ko alam kung bakit, siguro natsa-challenge sila, lalo na kung ang tingin nila competition ‘yung nangyayari. Like kapag tinukso niya ‘yung lalaki, tapos nagtagumpay siya, masasabi niyang, ‘O, lamang ako sa ‘yo, meron akong nagawa na hindi mo alam, na mas magaling ako. May mga girls na ganu’n talaga!” paliwanag ni Dennis.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Tsaka ang tingin ko diyan, kailangan alam mo agad ‘yung mga consequences na mangyayari kapag nag-give in ka sa mga temptation na ganu’n.

Isipin mo na lang kung gaano kagulo ang magiging buhay mo kapag nagpatukso ka.

Kapag nahuli kayo, kailangan maisip o makita mo na ‘yung maaaring mangyaring iskandalo o gulo kapag ginawa mo ‘yun.

Kaya du’n pa lang, mapipigilan mo na.

“Kaya ako, gusto ko na lang maging tahimik ang buhay, walang gulo.

Tsaka ayoko na ring makarma. Siguro kasi masasabi kong nakarma na rin ako.

Pero ang masasabi ko lang, nagtanda na ako, ayoko nang maulit uli ‘yung karma.

Ha-hahaha! Huwag na lang nating idetalye. Teka lang, ha! Baka madulas ako, e.

Siguro college days pa ‘yun. Non-showbiz, hindi pa ako artista.

“Alam ko karma ‘yung dumating sa akin, e.

Kasi pag may nangyaring hindi maganda sa ‘yo, feeling mo ‘yun na ‘yung karma du’n sa ginawa mong pagkakamali.

Isa sa mga nagawa ko siguro noon ‘yung bumalik sa akin,” pahayag pa ni Dennis na gaganap bilang Marcel Salcedo sa Pinoy version ng hit Koreanovelang Tempation Of Wife, ang magiging asawa ni Marian na gaganap naman bilang Angeline Salcedo.

I’m sure pamilya na kayo sa takbo ng kuwento ng seryeng ito na may tema na namang kabitan, sulutan, lokohan at pagsisinungaling.

Talagang usung-uso ngayon ang mga ganitong palabas, ‘no!

Pero siyempre, sabi nga nina Marian at Dennis, iba pa rin ang magiging atake nila sa kanilang mga karakter dito para mabigyan ng Pinoy flavor ang isang Korean series.

Si Glaiza ang gaganap na kontrabida sa istorya na magiging kabit ni Dennis, habang si Rafael naman ang magiging third party sa relasyon nina Marian at Dennis.

Makakasama rin dito sina Cherrie Gil, Raymond Bagatsing, Michelle Madrigal na agaw-eksena ang nagmumurang boobs sa presscon ng Temptation Of Wife dahil sa suot niyang long black gown na halos nasa pusod na ang neckline, Antonio Aquitania, Ayen Laurel, Bettina Carlos, Rez Cortez at Rio Locsin.

Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata at magsisimula na sa Oct. 29, sa GMA TeleBabad (kapalit ng Luna Blanca) pagkatapos ng Aso Ni San Roque.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: