Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Dennis Trillo Pumayag Na Lapastanganin Ni Glaiza De Castro!!!

PUMAYAG si Dennis Trillo na lapastanganin ni Glaiza de Castro sa muli nilang pagsasama sa Temptation of Wife. Bitin kasi ang romansahan nila nu’ng magsama sila sa Biritera.

Hinaplus-haplos ang actor ni Glaiza sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

“Oo, madami, madami. Maganda rin ’yung character ni Glaiza. Pati si Marian, maganda ’yung character niya. Sa bandang huli, gumawa siya ng move para makaganti,” pahayag ni Dennis nang bisitahin ng press sa taping.

Nabitin daw kasi si Glaiza sa una nilang team-up.

“Hahaha! Oo, eh. Medyo wholesome kami roon. Dito mas… slightly mature audience,” rason niya.

“Si Glaiza kasi, seryoso rin sa trabaho, eh. Kahit siya, before take, kinakabahan. Pero ’pag nandoon na sa eksena, parang nagta-transform din siya. Kapag nakita mo nang nagta-transform ’yung kapareha mo, kailangan, i-reciprocate mo ’yung ganoong gesture para mabuo niya ang eksena at maging effective,” katwiran niya.

Bumibigay din ba siya sa eksena?

“Minsan! Kailangan, eh. Para maging makatotohanan. Nakakahiya sa kaeksena kung ikaw, kulang ang binibigay mo. Kailangang pantay. Maganda kasi talaga. Makulay. Nakakatawa minsan. Nakakainis!” pahayag pa ni Dennis.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: