Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Dahil Takot Kay MARICEL SORIANO at DINA BONNEVIE.. CRISTINE REYES SOBRANG NAPRE-PRESSURE!!!


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakatambal sa isang teleserye sina Gerald Anderson at Cristine Reyes. Sila ang magbibida sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ayon kay Cristine ay hindi raw niya inakala na magkakapareha sila ng aktor sa isang proyekto. “Parang something new, parang hindi siya ini-expect ng lahat na magiging magka-partner kami. It’s something to look forward to na sana suportahan ng tao,” bungad ni Cristine.

Makakasama rin ang kasintahan ng aktres na si Rayver Cruz sa nasabing serye pero wala naman daw magiging problema sa pagitan nila ni Gerald dahil talagang malapit sila sa isa’t isa. “Actually, parang magkapatid sa showbiz silang dalawa. Parang ako nga ‘yung maa-out of place eh. Kumbaga sa babae, may girl talk silang dalawa. Wala naman sa akin ‘yun, siyempre ako, trabaho lang,” paliwanag ng dalaga.

Masaya rin si Cristine dahil makakasama rin nila sa serye sina Dina Bonnevie,­ Tonton Gutierrez, at Maricel Soriano. Aminado ang aktres na kina­kabahan daw siya sa mga magiging eksena nila ng Diamond Star. “She seems very makulit at nakangiti palagi. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa trabaho namin, parang nakaka-starstruck siyang kaeksena, dapat wala kang mali,” giit ng dalaga.

“Napakalaking pressure na makatrabaho silang veteran stars, napakagaling nila. Dapat paghusayan para hindi naman ako pagalitan sa set. Okay lang na sampalin nila ako sa mga eksena, basta gagalingan ko pa lalo para sa mga tao,” dagdag pa ni Cristine.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: