Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

Dahil Hindi Pinapansin Nang PRESS PEOPLE... SAM PINTO NAG WALK OUT!!!

MARAMING miyembro ng media ang nagulat nang hindi inaasahang nag-walkout si Sam Pinto sa interview portion ng kaniyang bagong endorsement na clothing line.
Martes, Oct. 23, sa Mint Fashion show mounted in celebration of Philippine Fashion Week, maagang nag-request ang media sa organizers na sana’y mainterview na nila ang endorsers na sina Sam, Xian Lim at Gerald Anderson.

Pero ayon sa mga namumuno ng show, hindi pa raw ready ang tatlo kaya after the show na lang daw.

Pagkatapos ng show, nirequest ng media na isa-isa sanang ilabas ang mga ito para magkaroon ng parehong chance, ika nga, na ma-interview.

Kaso wala na raw time para isa-isa silang ilabas dahil may kasunod na show sa naturang hall ng SMX Convention Center kaya pinagsabay-sabay na.

Nang lumabas na ang tatlo, pinagkaguluhan ng mga TV crew sina Xian at Gerald at feeling namin, na-akwardan si Sam sa sitwasyon dahil walang nag-interview sa kanya. Kaya ayun, tumalikod ito at umexit. Ayon pa sa mga balitang nakarating sa amin, umiyak diumano si Sam sa backstage dahil sa pangyayari.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

di k kc kilala kc nasa ch 7 ka