Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

BONG REVILLA JR. Umamin Nahihirapan Sa Kanyang Mga Dialogues Sa INDIO!!!


Nagsimula nang mag-taping si Sen. Bong Revilla sa una niyang drama series na Indio.

Medyo kabado siya dahil first time niyang gumawa ng drama series na ginastusan nang husto ng GMA 7.

Sa set pa lang nito ay halatang todo ang budget kaya malaki ang expectations nila sa bagong epicseryeng ito.

Medyo hirap pa raw si Sen. Bong dahil napakalalim pa raw ng Tagalog kaya naka-concentrate ito sa set para ma­kabisado niya ang mga dialogues nito.

Nakita namin ang ilang still photos ng mga unang nakunan nila at napaka-sexy ng suot ni Rhian bilang diwata.

Kasali pa riyan sina Jennlyn Mercado, Maxene Magalona, Soleen Heussaff, Rachelle Anne Go at Sam Pinto.

Naikuwento rin ni Rachelle Anne na dapat ay sirena ang role niya rito. Kaya lang, hindi pumayag ang Viva na nakababad siya sa tubig lagi na kumakanta pa, kaya nakipagpalit ito ng role kay Sam.

Hindi lang namin sure kung kakanta pa rin doon si Sam na isa nang sirena.

Mabuti at maaga silang nagsimulang mag-taping para mabusisi pa nila nang husto ang edi­ting at special effects nito.

Proud si Sen. Bong sa Indio dahil sa laki nito at ibang akting ang atake niya rito.

Samantala, patapos na ang shooting nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos sa pang-MMFF nilang si Agimat, Si Enteng Kabisote at si AKO.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: