Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 11, 2012

BLIND ITEM: VETERAN ACTRESS PASAWAY SA MOVIE PROJECTS!!!

Mayroon talagang mga artista na dahil sikat sila sa movie industry ay pinagtitiisan din sila ng mga kumpanya ng pelikula maging ng mga taong kanilang nakakasama sa trabaho. Ang katuwiran d’yan, kakaiba kasi ang isang magandang pelikula kung kasama roon ang mga kinikilala at respetadong artista sa lokal na aliwan. Mayroong mga kasiraan na napagtatakpan, pero pagdating ng panahon, nabubulgar din iyon.

Katulad na lamang ng sikat na sikat pa ring aktres hanggang ngayon, na tawagin na-ting si Katrina Hilario. Sumikat si Katrina sa showbiz sa panahong hindi pa uso ang acting workshop, kaya talagang naiiba ang kahusayan niya sa pag-arte. Puro kadramahan ang kanyang mga pelikula, na talagang pinag-uusapan at kumikita sa takilya. Pero nasira ang diskarte niya sa career, dahil sa masamang epekto ng kanyang lovelife. Lagi siyang iniiwan ng mga lalaking kanyang nakakarelasyon.



Nagloka-lokahan si Katrina sa kanyang mga trabaho nu’ng magkasunud-sunod na magkaproblema siya sa kanyang mga lalaki. Madalas, nasa location na siya ng shooting, pero ayaw lumabas ng sasakyan para mag-shooting ng kanyang mga eksena. Minsang may playdate na ang kanyang pelikula, biglang hindi niya nalalaman ay pinatay na pala ang kanyang karakter. Ikinuwento iyon ng kanyang producer sa iba pang mga producers ng pelikula, kaya hindi na nila kinukuha si Katrina, hanggang sa mawalan na siya ng career, at bu-mabalik na lang siya sa showbiz kapag mayroong mga kumpanya na kayang pagtiisan ang kanyang mga sumpong at kabaliwan sa buhay, dahil nga mahusay siyang aktres.

c/o PINOY PARAZZI

No comments: