Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

BLIND ITEM: Produkto Nang Artista Search.. Nagpatangos Nang ILONG!!!


MUNTIK na naming hindi makilala ang isang not so young actress (NSYA) na produkto ng isang artista search.

Dumating ito sa birthday party ng isang entertainment writer. Nagbeso-beso ito sa amin at agad naming na-halatang may nabago sa ilong nito. Naghugis tuka ng ibon ang ilong ‘nito. Mas maganda si NSYA noong hindi pa ito nagpa-nose job.

Ipinagtanggol ito ng isang close friend-reporter na hindi ito nagpa-nose job. Cannot afford daw si NSYA dahil nagpapagawa ito ng bahay at doon daw napupunta ang savings

Hindi kami kumbinsido sa paliwanag ng entertainment writer dahil maraming beses naming sinipat ang ilong ni NSYA at malaki talaga ang nabago sa hugis nito kumpara noong sumali ito sa isang artista search.

Gano’n din ang napansin namin sa isang aktres na nakausap namin sa isang presscon. Nagpatangos din ito ng ilong. Maganda ang pagkagawa dahil hindi masyadong halata ang enhancement sa ilong ng aktres. Magkaiba siguro ang doctor na nagretoke sa dalawang aktres.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: