Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 7, 2012

BLIND ITEM: Mother nang Child Star Todo-Reklamo Sa Talent Fee Nang ANAK!!!


BLIND ITEM: Sino itong mother ng child star na madalas magreklamo at laging umaangal sa talent fee NA natatanggap ng anak dahil medyo maliit.

Dahil na rin daw sa madalas magreklamo ng mother ng child star, balak ng manager ng bata na siyang nagpasikat kaya nakilala ito at kumikita na ay bitawan na lang ito pagkatapos ng kanilang kontrata.

Hindi na raw masikmura ng manager ang pakikialam at pagrereklamo ng mother ng child star samantalang hindi naman nawawalan ng project ang child star.

Umaasa lang daw kasi ang magulang ng bata sa kinikita nito kaya madalas magreklamo na gawing mataas ang talent fee ng bata?

Kawawang child star daw dahil kayod marino na nga raw ito ay ‘di pa rin kuntento ang magulang sa kinikita nito.

Hindi kaya nasusulsulan lang ang magulang ng child star ng iba kaya siguro raw ay nagrereklamo ito sa tinatanggap na talent fee daw diumano ng bata?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: