Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

BLIND ITEM: Actor at Actress Tinuloy Ang Love Scene Off Cam!!!

Grabe ang kaelyahan ng dalawang indie stars (babae at lalaki) na kahit behind the camera ay walang ginawa kung hindi maghalikan at magkilitian. Ang nakakaloka ay first time na nagkita at nagkasama ang dalawa sa pelikula, kaya naman naloka ang mga staff ng ginagawa nilang indie film sa gawi ng dalawa.

Kaya naman daw nang kunan na ang kanilang maiinit na love scene ay todo-bigay ang dalawa at tinotoo ang mga eksena, ilang minuto rin daw tumagal ang kanilang tsuktsakan at nang sumigaw ang director ng cut ay parang walang narinig ang dalawa at patuloy pa rin sa romansahan.

Nahiya na lang daw ang mga ito nang mapansin nila na nakasimangot na ang director at biglang naghiwalay. Pero ang bongga ay ng habang kinukunan ang ibang eksena na hindi sila magkasama ay biglang nawala ang dalawa at pumasok ng ibang room at doon itinuloy ang init ng katawan na kanilang nararamdaman.

Paglabas nga ng room kung saan ilang minuto rin silang nawala ay parehong all smile ang dalawa na mukhang solve sa kung ano man ang ginawa nila sa loob ng kuwarto. Tsika nga ng isang staff na kilala ang actor na mahilig talaga ito at lahat ng nakakapareha ay natitikman. ‘Yun na!




c/o Pinoy Parazzi

No comments: