Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

BARBIE FORTEZA, JOYCE CHING, at KEN CHAN Pinatunayang Balwarte Nila Ang Bulacan.


NAPATUNAYAN NAMIN na balwarte pala ng mga Kapuso teenstars ang Bulacan dahil literal na pinagkaguluhan at dinumog sina Barbie Forteza, Joyce Ching at Ken Chan nang maimbitahan ang mga ito na maging hurado sa San Joseno Youth Cheer Dance Competition na sinalihan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa San Jose Del Monte, Bulacan. Bago simulan ang naturang programa, naghandog muna ng sayaw sina Barbie, Joyce at Ken kung saan muntik nang hindi matuloy dahil nagsuguran na lumapit sa tatlo ang mga tao. Buti na lang at aware ang mga security or else baka kung ano na ang nangyari sa mga ito.

Hinahanap pa rin si Joshua Dionisio ng mga tao kay Barbie, pero mayroon namang isinisigaw ang pangalan ni DerrickMonasterio na siyang bagong kapareha nito. Mukhang tanggap na rin ang tambalang Barbie-Derrick dahil may mga nakita pa kaming posters ng dalawa na hawak ng mga fans.

Naging mapagbigay naman si Ken dahil kahit na hinihila at natutulak na siya ay hinahayaan lang niyang mayakap at mahalikan ng kanyang fans. Katwiran ni Ken, malaki ang utang na loob niya sa kanyang supporters dahil ang mga ito ang nanonood ng kanyang TV shows at nanonood ng kanyang movies.

Siyempre pa, si Kristoffer Martin naman ang tinatanong ng fans kay Joyce at tinutukso pa ang Tsinitang youngstar kung boyfriend na nito ang ka-loveteam. Oo na lang nang oo si Joyce or else… hindi siya titigilan ng mga fans.

Nais magpasalamat ng tatlong Kapuso teenstars kina Cong. Arthur Robes at sa misis nitong napakasipag na si Ms. Rida Robes na dati ring artista sa Regal Films na siyang nag-imbita sa kanila. Gusto rin nilang magpasalamat sa mga taga-San Jose sa mainit na pagtanggap sa kanila.

Ay, wait lang dahil babalik pa sila bago magtapos ang buwan dahil sila ulit ang kinuhang judges sa gaganaping Miss Gay Undas. Masaya ‘yun!


By Ronald M. Rafer of Pinoy Parazzi

No comments: