Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

Bagong pelikula ni Dingdong Dantes na 'Tiktik,' posibleng mapanood sa ibang bansa


Talagang ipinagmamalaki ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang magagandang eksena sa kanyang bagong pinagbibidahang pelikula na Tiktik: The Aswang Chronicles.

Kaya naman masayang kinumpirma ng aktor sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Orasnoong Lunes na mayroong mga pag-uusap na nagaganap batay sa posibilidad na mapalabas ang pelikula nila Lovi Poe at LJ Reyes sa ibang bansa.

Gayundin, ang Tiktik: The Aswang Chronicles ang unang pagkakataon na gumawa ang pelikulang Filipino na sa kabuuwan ay gumamit ng green screen technology.

Wika pa ni Dingdong, "Kakaiba siya dahil pati yong hitsura ng mga aswang, eh ni-reimagine siya ng mga technician natin yong mga tinatawag na technical director na mga henyo."


 

Samantala, tulad ng tema ng kanilang pelikula, tila maituturing din na pang-aaswang ang mga pagbabatikos ngayon kay Dingdong. Isa na rito ang pag-uugnay sa kanya sa Kapuso artist na si Isabelle Daza.

Ngunit ayon sa aktor, hindi na raw sila naapektuhan ng kanyang kasintahang si Marian Rivera dahil alam nila ang katotohanan hinggil sa nasabing kontrobersiya.

Aniya, "Siguro kung nangyari 'to three years ako, eh baka kasi siyempre bago pa kami non. Pero the fact na medyo matagal na rin kami is sa lahat ng mga pinagdaanan namin, we know how to deal with it already."

Maliban dito, excited din ang Kapuso actor sa pagho-host ni Marian para sa pagbabalik ng original GMA reality show na Extra Challenge.

Kwento pa nito na handa raw siyang maging challenger sa nasabing palabas basta't hindi lang ipapagawa sa kanya ang nag-iisang bagay na ayaw niya.

Wika pa nito, "Ako, okay lang. Why not? Basta ano wag lang talaga isang bagay na ayaw ko at alam ni Marian kung ano yon. Medyo pag ganon atras talaga ako. Kahit ano papakain mo sa akin 'wag lang yon."


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: