Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 8, 2012

Arron Villaflor Says He Is Proud To Be One Of The Hottest Bachelors In The Country

Sa pagsama sa listahan ni Arron Villaflor sa isang sikat na magazine bilang “one of the hottest bachelors” ng taong ito, hindi maitago ng aktor ang kanyang saya sa pagkakabilang niya dito lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na napasama siya dito. Kaya naman sa pagrampa niya sa event na ito kung saan halos lahat ng napabilang sa listahan ay naroon, “Sobrang saya ko dahil first time ko at dahil napasaya ko yung tao at napasaya din nila ako sobrangoverwhelming.”

Hinid rin makapaniwala ang aktor na sa dinami-dami din ng mga maaring mapili ay napabilang siya sa listahang ito. “Siyempre nakakatuwa dahil pinagkakatiwalaan nila ako.” Naging agresibo din ang mga kababaihan sa reaksiyon nila sa pagrampa ni Arron at nang matanong nga ang saloobin sa ilang mga kababaihang naging matapang ipakita ang kanilang totoong nararamdaman, “Well nakakagulat dahil first time ko nga pero nakakatuwa po kasi sa ipinakita naming nagrereact sila which is good kumbaga epektibo.” At sa pagkakataong ito, inilabas na rin ni Arron ang kanyang kagustuhang mapabilang sa ganitong mga okasyon. Aniya, “Siguro ito na rin yung gusto kong gawin na hindi lang sila ang nakakagawa nito ako din.”

Kilala si Arron na wholesome sa kanyang mga proyekto sa telebisyon ngunit natanong namin ang binata kung ang pagrampa niya ba dito ay hudyat nang pagtanggap niya at paggawa ng mas daring at sexy roles tulad din ng mga nauna sa kanyang mga aktor at naging matapang naman ang pagtanggap dito ni Arron. Sagot niya, “Basta maganda yung story at sa tingin ko naman hindi nila ako pababayaan siguro let’s do it! It’s my chance.”

At sa ilan sa kanyang mga taga-hanga na nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan ng Star Circle Quest alumna, kasalukuyan siyang nagta-taping para sa nalalapit nilang serye na Precious Hearts Romances presents ‘Isla’ kasama sina Matteo Guidicelli, Jessy Mendiola at Matt Evans.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: