Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

Ara Mina, walang keber mag-nanay kay Rocco Nacino!!


NANAY ni Rocco Nacino ang role ni Ara Mina sa Yesterday’s Bride at ito ang unang pagkakataon na pumayag si Ara na gumanap bilang ina ng isang aktor na parang kapatid lamang niya.


Kinontra ni Ara ang maling impresyon na kinamumuhian niya ang papel na ibinigay sa kanya ng GMA 7.


Ayon kay Ara, panahon na para tumanggap siya ng mother roles dahil ito ang paghahanda niya sa pagiging ina sa tunay na buhay. Mas madali na raw sa kanya ang mag-adjust.


Hindi nag-iisa si Ara dahil nanay rin ang ginagampanan ni Nina Ricci Alagao sa Yesterday’s Bride.


Si Karel Marquez ang anak ni Nina sa afternoon TV series ng GMA 7 na magsisimula sa October 29.
In real life, hindi rin nagkakalayo ang mga edad nina Nina at Karel.


Ang Yesterday’s Bride ang comeback project ni Karel sa Kapuso Network, matapos na mapanood siya sa mga programa ng TV5.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: