Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

ARA MINA Balik KAPUSO! Gaganap Bilang Nanany Ni Rocco Nacino!!!

Matapos ang matagal na pamamahinga, balik trabaho na ang sexy actress na si Ara Mina sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Network.

Bibida si Ara bilang ina ng lead actor na si Rocco Nacino na tutol sa kanyang kasintahan na gagampanan ni Lovi Poe sa pinakabagong Afternoon soap ng GMA na Yesterday's Bride.

Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Martes, ito ang unang pagkakataon na gaganap ang aktres bilang ina sa isang palabas.


"Maganda 'yong role hindi basta basta. Kasi kung gaganap ka rin ng mother role, maganda ‘yong markado na. Hindi ‘yong basta mother lang tapos wala na, ‘di ba? And future mother din naman ako," masayang kwento ng aktres.

Maraming beses na raw siyang tumanggi sa mother role sa mga proyektong inalok sa kanya ngunit noon. Pero mabilis daw siyang nakapagdesisyon nang ialok sa kanya ang nasabing papel saYesterday's Bride.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: