Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 18, 2012

ANNE CURTIS Hindi Man Lang Nag Effort Na Talbugan Si Andi Eigenmann!!!


Other actresses would have exerted greater effort para hindi makabog o masapawan ng kasamahan nilang artista sa ginagawa nilang proyekto at sa kaso ni Anne Curtis ay sa latest movie na ginawa niya, ang A Secret Affair, na kasama ang nakakabata sa kanyang artista na si Andi Eigenmann.

Inamin ng recently awarded best actress ng FAMAS na hindi maiiwasan na mag-shine ang kanyang co-star dahil mas challenging ang role nitong kontrabida.

“She’s a gem. I’m glad pumayag siyang gawin ang role. Sabi ko sa kanya na the bad girl is always the best role. Pati ’yung mga love scenes, ibang-iba ito sa mga napanood na natin, dramang-drama talaga. In the film she has become a woman,” sabi ng nagpaubayang aktres na hindi nag-alala katiting man na masasapawan siya ni Andi.

“I gave my best, I always do. Pero siguro sa pagmamaldita lamang niya ako walang nagawa. I just go with the flow. I gave what was required of me. Basta when you see the film, iba ang mga confrontation scenes namin sa mga nakita n’yo na sa pelikula.”

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: