Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, October 21, 2012

Anne Curtis, grabe ang ginawang love making sa loob ng SAUNA!!!


Sa Oct. 24 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang A Secret Affair. Ayon kay Anne Curtis, kinakabahan siya sa kalalabasan sa takilya ng kanyang bagong pelikula.

“Of course you want it to become a blockbuster but that doesn’t necessarily mean that it’s the reason why you want to do the film. Like No Other Woman, no one expected it to be like that. I set my mind naman din na basta may manood at magustuhan ng tao, masaya na ako. The only thing that frustrates me the most is that people compare. But when they finally see the movie, they’ll realize that it’s really different from No Other Woman,” pahayag ni Anne.

Nahirapan ang aktres habang ginagawa ang nasabing proyekto dahil kabaligtaran ng kanyang ginawa sa naunang pelikula ang kanyang role ngayon.

“It took a lot of adjusting on my part. Binabantayan ni Direk Nuel Naval ’yung little nuances ko. A slight raise of my eyebrows, talagang ‘Ooooops, hindi mo character ’yan.’ Mahirap siya pero I enjoy taking on the challenge of portraying a good girl,” kuwento ng dalaga.

Kaabang-abang daw talaga ang lahat ng maseselan na eksena na ginawa nila ng leading man na si Derek Ramsay at hindi rin nagpahuli si Andi Eigenmann.

“Pinakagrabeng love scene namin ni Derek ’yung sa sauna kasi ’yung sa kanila ni Andi hot and steamy, sa amin talaga love making. Saka abangan ninyo ’yung pasabog na eksena namin ni Andi,” pananakam pa ni Anne.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: