Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

ANDI EIGENMANN.. Umamin Umiyak Sa Love Scene Nila Ni DEREK RAMSAY!!!


First time ko na makita na magkasama sa isang presscon ang mag-inang Jacklyn Jose at Andi Eigenmann.
Bongga ang pagkakasabi ni Jacklyn na minana ni Andi mula sa kanya ang husay sa pag-arte, hindi sa mga Eigenmann. Halata na nagbibiro lang si Jacklyn pero totoong mahusay umarte ang anak nila ni Mark Gil.

Hindi naman siguro magtatampo si Andi kung sasabihin ko ang aking obserbasyon na mas maganda sa kanya ang nanay niya. Napakaganda ni Jacklyn noong bagets pa siya at hanggang ngayon, taglay pa rin niya ang kagandahan na kinabaliwan noon ni Mark.

Iniyakan ni Andi ang sexy scene nila ni Derek. Umiyak siya kay Jacklyn pagkatapos makunan ang love scene nila ni Derek.


Ipinaliwanag ni Jacklyn kay Andi na wala itong dapat ipag-alala dahil mahusay ang kanilang direktor na si Nuel Naval. Disente na direktor si Nuel at pinoprotektahan niya ang kanyang mga artista. Malaki ang tiwala ni Derek kay Nuel kaya napapayag siya na magpaseksi sa mga eksena niya sa A Secret Affair.

Napansin ko na mga mestisa ang mga artista ng A Secret Affair mula kay Anne hanggang kina Jacklyn, Andi at Jackielou Blanco.

Kasali rin sa pelikula sina Joel Torre at IC Mendoza. Muling ipinakita sa presscon ang trailer ng A Secret Affair. Mas bongga at magaganda ang eksena sa bagong version ng trailer ng pelikula.





JoKer DeTor Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: