Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

ANDI EIGENMANN Nagawang i-BJ Si DEREK RAMSAY Nang Walang Kalaban-Laban!


For his first feature film ay matino at malinis magdirek si Nuel Crisostomo NaVal.

Kahit ang dating ay derivative ito ng No Other Woman, in fairness ay medyo nagpaiba ang A Secret Affair. Napansin naming may effort itong magpaka-glossy at magpakasosi.

Inglisan nang Inglisan ang mga bida, na mas maraming English dialogue kesa sa Tagalog. Sagana rin ito sa mga batuhan ng linya at mga awayang bitch versus bitch.

Ang sarap ng laplapan nina Anne at Derek, at nina Derek at Andi. This time ay si Anne ang inaagawan ng lalaki at si Andi ang kati-katerang ahasera na nanunulot ng boyfriend ng may boyfriend.

Parang feel na feel ni Anne 'yung mga eksenang tinatarayan niya ang hitad na Andi na hiniritan niya ng mga linyang, "Don't confuse love with sex, sweetie!" at "Alam mo kung saan masarap magkape? Sa burol mo!"

Pati ang RH Bill ay nagamit niya sa okrayan nila ni Andi.

Mapangahas ang role dito ni Andi. Nandiyang tapunan niya ng alak sa dibdib si Derek at dilaan ito pataas, makipagdyugdyugan siya sa sala ng condo unit nito, at kubabawan ang hubad na katawan nito habang nakataob sa massage chair ng spa, na itsura siya ng sex stalker (o sex maniac) na uhaw sa lalaki.

Meron ding patensyon epek na naughty scene sa may exit door ng condo kung saan big­lang hinalikan, tapos ay NILUHURAN ni Andi si Derek habang nasa labas lang si Anne at parang tangang naghahanap sa boyfriend nito.

'Kalokah ang hitad na Andi dahil nagawa niyang i-BJ si Derek nang walang kalaban-laban!

May eksena ring nang-iinggit na ibinulalas ni Andi kay Anne kung anu-anong mga pinaggagagawa nila ni Derek sa tuwing nagtatalik sila, with matching pahimas-himas sa kanyang leeg at katawan na animo'y nag-o-orgasm. Bading na bading ang peg ng hitad!

Daring si Andi sa pagtanggap ng papel na ito, pero marami pa siyang dapat i-improve bilang aktres.

Most of the time, ang mas nakikita namin sa screen ay siya mismo bilang si Andi Eigenmann at hindi 'yung bratinelang spoiled little bitch niyang karakter.

In fairness sa gumanap na madir ni Anne na si Jaclyn Jose, applauded 'yung eksenang sinugod nito ang kabit (Jaycee Parker) ng kanyang asawa (Joel Torre) at ininsulto sa harap ng dalawa niyang anak.

Hinablot ni Jaclyn ang magkabilang hikaw na suot ni Jaycee, at nang bantaan siya nitong ide­demanda, klik na klik sa audience 'yung sarkastikong tanong niyang, "Paano?! Ha??!"

May mga nagpalakpakan kay Jaclyn sa moment niyang 'yon, na pagbalik nilang mag-iina sa kotse ay tawa sila nang tawa na parang luka-luka!



ALLAN DIONES
Abante Tonight

No comments: