Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Andi Eigenmann, Inamin Na ang Relasyon Niya Kay Jake Ejercito


Ibinuko ng ina sa mismong presscon na may bagong inspirasyon ang anak at ito ay si Jake Ejercito na noon pa man ay nali-link na kay Andi. Inamin naman ng aktres na bukod sa anak ay si Jake ang nagsisilbing inspirasyon at nagpapasaya sa kanya. Nang tanungin namin ang estado ng relasyon nila ni Jake, ayon kay Andi ay magkaibigan pa rin sila hanggang sa ngayon at nandu’n sila para suportahan ang isa’t isa kahit pa nga nasa London ito sa ngayon.

Isang daring, sexy, matured at palaban na Andi ang mapapanood sa pelikula, nagbigay-komento rin ang aktres sa kumpirmasyon na second choice lang siya para sa nasabing role kung saan una raw itong inalok kay KC Concepcion, pero tinanggihan nga ng aktres.

Inamin naman ng aktres na dati pa man ay alam na niya ang tungkol dito at hindi naman porke’t second choice siya ay hindi na siya importante sa nasabing pelikula. Para kay Andi, ibinibigay lang niya ang lahat ng maibibigay niya sa bawat karakter na hinihingi sa kanya sa bawat proyektong kanyang ginagawa.



c/o Pinoy Parazzi

No comments: