Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, October 9, 2012

ALJUR ABRENICA Kinausap ni ROBIN PADILLA!!!


KINAUSAP PALA ni Robin Padilla si Aljur Abrenica na maging isa sa cast ng ginagawa nitong movie na Kuratong Baleleng, kung saan magiging kapartner si Kylie Padilla at kasama rin ang mga pamangkin ni Robin na pinasok na rin ang showbiz.

Sa movie ay mapapasabak sa action si Kylie at mga pamangkin ng sikat na action star pero walang eksena si Aljur na kung si Kylie ang masusunod ay ayaw niyang makasama sa nasabing movie ang napapabalitang boyfriend dahil may ginagawa itong serye katambal ang dating ka-loveteam na si Kris Bernal na Coffee Prince.

Ayon pa kay Kylie, nakakatanggap daw siya ng mga pang-aalipusta mula sa fans nina Aljur at Kris na obvious daw na mas gusto ng mga ito kay Kris kaysa sa kanya para kay Aljur.

“Gusto ko sana ‘yung personal lang kami, hindi ‘yun sa showbiz,” say ni Kylie.

Naiintindihan daw ni Kylie ang sitwasyon ng tambalan nina Aljur at Kris kaya suportado niya ang loveteam ng dalawa.

Samantalang nang makarating kay Robin ang naturang pang-aasar sa anak ng fans daw ng tandem Kris at Aljur ay nasabi nito: “Nababaduyan ako kay Aljur niyan kapag sinabi niyang magpapaapekto siya sa fans?

“Tigilan ninyo ang pag-ibig ninyo! Kasi ang pag-ibig, harangan man ng sibat o tutukan ka ng .45 sa ulo, kung totoong mahal ninyo ang isa’t isa, ipaglalaban ninyo,” say ni Robin.

Request lang ni Robin kay Aljur na laging depensahan ang kanyang anak (Kylie). At gusto ring ipaabot ng sikat na action star sa young actor na walang problema sa kanya kung talagang nagmamahalan ang dalawa.

Magkakaroon lang daw ng problema kay Robin kapag nabalitaan niyang namomroblema o binibigyan ng problema ni Aljur si Kylie.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: