Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 11, 2012

Alden Richards, excited sa role bilang batang Bong Revilla


NAGSIMULA NA palang mag-taping angIndio ni Sen. Bong Revilla, pero hindi pasiya kasali dahil inuna muna nu’ng bata pa siya.

Ipinakita na nga sa akin ang mga kuha nila na kinunan sa Caliraya at Pangasinan at kitang-kita talagang ginastusan nang husto.

Next year pa naman ito magsisimula at ito bale ang pinakamalaking pambulaga ng GMA 7 sa GMA Telebabad.

Kaya excited si Bong, dahil ito bale ang kauna-unahan niyang drama series.

Sabi nga niya, hindi na raw masusundan ‘yun, dahil tama na raw na nakagawa na siya ng isang drama series na parang isang malaking pelikula na.

Ang dami pang mga artistang involved kaya nakae-excite na rin at tiyak na aabangan ito ng mga manonood.

Ang isang excited sa Indio ay si Alden Richards na gaganap na teenager na Indio.

Malaking karangalan daw sa kanya na siya ang gaganap na batang Bong Revilla kaya pinaghandaan niya rin nang husto.

Gusto ni Bong si Alden dahil nakasama na niya ito noon sa Panday 2 at natuwa siya kay Alden dahil napaka-cooperative nito sa promo ng pelikula at lagi siyang available.

Nagkasama nga raw sila sa workshop at tuwang-tuwa ang young actor dahil napaka-simple daw ni Bong at down-to-earth. Kaya masaya siya at naging bahagi siya ng Indio.

Kasali rin dito sina Jennylyn Mercado, Sam Pinto, Rachell Ann Go, Rhian Ramos, Solenn Heusaff, Maxene Magalona at marami pang leading ladies.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: