Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, October 19, 2012

AKTRES AT TV PERSONALITY, NAGHIWALAY DAHIL ‘DI MAGKA-ANAK

SA hiwalayan din daw nauwi ang pagsasama ng isang mahusay na aktres at ng kanyang mister na isa rin TV personality.

Marami nga ang nanghinayang sa kinahantungan ng matagal-tagal na rin namang pagsasama ng dalawa.

Ang isang itinuturong dahilan e, ang hindi pagkakaroon ng anak ng nasabing couple. Na madalas na rin usisain noon sa nasabing aktres pero maayos naman nitong nasasagot ang kanilang kalagayan ng kanyang mister.

Pero mukhang naging mitsa na ito ng hindi na umano magandang takbo ng relasyon nila kaya nagdesisyon na lang silang maghiwalay na lang o magkanya-kanya ng takbo sa kanilang mga buhay.

Medyo late na rin kasi nang lumagay sa tahimik ang nasabing couple. Kaya rin siguro hindi na sila nabiyayaan ng magigig anghel sana sa kanilang pagsasama.

Baka naman may ibang purpose na inilalaan ang Panginoon sa mga buhay nila sa ngayon. Accept the things we cannot change, sabi nga.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News


Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: