Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, October 15, 2012

After Bea Binene Marvelous Alejo, nali-link kay Atty. Ferdinand Topacio!


HINDI PA man natatapos ang kontrobersiya at pagkaka-link ni Atty. Ferdinand Topacio sa GMA young star nasi Bea Binene, pilit namang inili-link ngayon ang very generous at mahusay na abogado sa TV5 young star na mula sa artista search si Marvelous Alejo.

May mga tsikang ito na nga raw ang bagong apple of the eye ni Atty. Topacio na palaging napagkikitang kasa-kasama nito lately na mariin namang itinanggi nito. Ayon kay Attorney, tinutulungan niya lang si Marvelous at parang anak lang ang turing nito sa magandang dalaga. “Ano ba ‘yan?! Tinutulungan ko lang si Marvelous. Magaling naman ‘yung bata at mabait, kaya ‘wag nilang bigyan ng kulay ‘yung pagtulong ko. Katulad ng ginawa kong pagtulong noon kay Bea, anak ang turing ko sa kanila. Kaya natatawa ako nang makarating sa akin ang balita na si Marvelous ang pinalit ko raw kay Bea na hindi totoo, dahil wala namang ganu’n.”

Inamin ni Attorney Topacio na siya ang tumutulong kay Marvelous na magkaroon ng sariling recording album na nakatakdang i-release ngayong December. “Totoo na tinutulungan ko si Marvelous na magkaroon ng album. Ngayon nga ay pinag-uusapan na namin ‘yung mga songs na isasama sa album. Gusto ko kasi, magaganda lahat at bagay sa boses niya. Nakakakanta naman ‘yung bata at puwede namang magka-album. Bakit hindi natin tulu-ngan? Dream niya ang magka-album kaya naman tinulungan ko siya.”

Ayaw na lang daw intindihin ni Atty. Topacio ang nang-iintriga sa kanya at sa nagbibigay-kulay sa pagtulong niya kay Marvelous, dahil likas naman daw sa kanya ang tumulong kaya naman ayaw na lang nitong paapekto sa mga maling tsismis sa kanya.

c/o  Pinoy Parazzi

No comments: