Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, September 14, 2012

Sharon Cuneta, Nagpaparamdam Sa Star Cinema??!


Gaano katotoo ang  balitang nasagap namin na Nakikipag usap daw di umano ang MEGASTAR na si Ms. Sharon Cuneta sa mga dating boss niya sa ABSCBN particularly sa STAR CINEMA. Nag paparamdam daw ito na gusto nitong muling makagawa nang pelikula sa Star Cinema. Since 5 years ang kontrata ni Mega sa Kapatid Network ay impossibleng mag alsabalutan ang actress, kaya kahit man lang sa pelikula ay makabalik siya sa kapamilya.

Kung totoo ang balitang ito, nangangahulugan lang na hindi masaya ang ating mega star sa kinahinatnan nang kanyang career sa TV5. At kung sakaling gusto nga niyang makabalik, tanggapin pa kaya siya nang Kapamilya? Matatandaan na humigit kumulang 1ng taon na nang umalis ang aktress sa poder nang ABSCBN. Mula nga noon ay unti unting lumanlam ang career ni Mega.

Ano ang masasabi ninyo sa balitang ito?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks! Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: