Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 26, 2012

BLIND ITEM: Naging Dyowa Lang Ang Kapareha Sa Teleserye: Aktres, Itinangging May Realsyon Sa Bagets Star

photo of blind item pictures photos  

NAPAKADALI LANG talaga ngayon sa mga artista sa showbiz ang magkaroon ng panandaliang ugnayan. Magsisimula iyan sa pagkikilala, magkakasama sa project, magkakapalitan ng text at kasunod na noon medyo higit pa sa inaasahang magaganap. Katulad na lamang ng naging closeness ng aktres na si Marian Jurado at ng dating bagets starna si Fundy Alano. Kung sinu-sinong aktor ang nakarelasyon na ni Marian, na puro nauuwi sa hiwalayan.

Suki na si Marian ng laging nawawasak na relasyon, kaya lagi na lang siyang umiiyak kapag iniinterbyu sa telebisyon na ang isyu ay hiwalayan. Maganda naman siya at malakas ang sex appeal, kaya naman sa palagiang pagkikita sa mga gimikan ay naging close sila ni Fundy. Guwapo ang binata, kaya may dating sa aktres. Doon nagsimula na pumupunta si Fundy sa house ni Marian, at madalas din na ang girl ay pumupunta sa condo unit ni Fundy, at inaabot siya roon ng magdamag. Sa laging magdamagan na magkasama sila sa bedroom, alangan namang nagkukuwentuhan lang sila?

Heto na! Sa isang teleserye ay biglang nakapareha ni Marian ang actor na si Tony Davivas. Nu’ng ipino-promote ang teleserye ay may gimik na nagliligawan sila. Pero tuloy pa rin ang closeness nina Marian at Fundy. Biglang natuloy sa relasyon sina Marian at Tony, dahil ipinangalandakan nilang pareho iyon. Naiwang mag-isa si Fundy, at ang masakit pa ay itinanggi ng aktres na nagkaroon sila ng relasyon. Naging close lang daw. Nasaktan si Fundy. Porke ba’t hindi siya masyadong sikat ay itatatwa siya? Closeness lang ba ‘yung mga nangyari sa kanila ni Marian sa ibabaw ng kama? Naman!

c/o Pinoy Parazzi

No comments: