Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, September 13, 2012

Elmo at Julie Anne Biglang Lumamlam ang Career!!!


Tila biglang bigla ay lumanlam ang career nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Matapos nga na ipalabas ang pelikula nila na Just One Summer na tumagal lamang nang isang linggo sa mga sinehan, ay unti unting nabawasan ang kinang nang tinagurian Tween king and queen nang GMA Network. Mahigit 6 Million lang ang kinita nang naturang pelikula, at marami ang nag sasabi na wala daw sa panahon ang pag papalabas nito nang pelikula, dahil una hindi na summer nang ito ay pinalabas. Padalwa ay masyado pang hilaw ang dalwa para bigyan nang launching movie.

Maging ang youth oriented show nila tuwing Sabado nang hapon na Together Forever ay flop din sa ratings. Kahit pa nilipat ito nang araw mula Linggo ay ginawa itong Sabado. Kaya naman this month ay mag tatapos na ang naturang programa at papalitan na nang TGIS.

Kapansinpansin na hindi na din masyadong binibida nang GMA ang dalwang alaga nila ngayon. May nakapag bulong sa amin na malaki daw di umano ang disappointment  nang mga BIG Bosses nang GMA sa sa dalwang bagets, kaya pati ang manager ni Elmo na si Pia Magalona ay hindi din makaporma ngayon sa kanilang istasyon.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks! Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: