Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, September 20, 2012

EAT BULAGA To Transfer To TV5 Next Year??!!


Isang bulong bulongan ngayon sa mundo nang showbiz ang umiikot at patuloy na palihim na umiingay. Di umano na ang EAT BULAGA! daw ay lilipat na sa TV5 sa susunod na taon. Nakatakda na kasing matapos ang kontrata nang naturang longest noon time show sa buong mundo sa susunod na taon. Alam ito nang management nang kapatid network kaya naman nakikipag negotiate sila sa head nang Eat Bulaga na si Malou Chua Fagar.

Sa nagyon ay hindi pa sigurado na lilipat sila, dahil marami pa pwededeng mangyare. Pero kila din naman natin ang TV5 na nag bibigay or nag aalok nang malaking halaga makuha lamang ang kanilang gusto. Lalo na at malaking asset ang naturang programa kung sakaling mapa punta ito sa TV5.

Hindi din malabong mangyari ito, dahil kilalang identified kapatid stars sina VIC SOTTO, JOEY DE LEON, RUBY RODRIGUEZ, RYAN AGONCILLO, WALLY BAYOLA, AT JOSE MANALO. Maging ang director na si BERT DE LEON ay may programa din sa naturang network.

Ano sa palagay nyo? Ano masasabi nyo hingil sa balitang ito?

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please followus on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: