Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 13, 2008

Victor Basa, nilalait ang suot

Victor Basa, nilalait ang suot


SANGKATERBANG panlalait ang nakuha ni Victor Basa sa mga press people nang um-attend ito ng premiere night ng kanyang pelikulang Xenoa 2 dahil sa kanyang outfit, na hindi pang-artista at hindi pang-premiere night.

Tinalo nga siya ng milya-milya ni Lance Raymundo, na may markadong role sa Xenoa 2 dahil talagang pinaghandaan niya ang event na ‘yon, kagaya ng iba pang mga celebrities na dumalo.Ewan kung bagong gising lang si Victor nang gabing ‘yon dahil nakasimangot kaya ang naging star of the night for the press people nang gabing ‘yon ay si Lance.

Sa girls naman ay puwede na ring mag-tie sina Isabel Granada na nagsuot nang napakagandang gown at si Tara Tambunting, na napaka-hip and cool but chic naman ang dating.

Harinawa’y magsilbing aral kay Victor ang gabing ‘yon na kaila-ngan niyang mapaka-glamorous bilang artista lalo na sa mga events na kagaya nu’n.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: