Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 12, 2008

Tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz mas nakakakilig na

Tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz mas nakakakilig na

Matindi ang dating ng tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na una nilang pinatunayan sa unang pelikula nilang ginawa, ang A Very Special Love under Star Cinema. Muli itong naulit sa The Next One major concert ni Sarah sa Araneta Coliseum nung nakaraang Sabado (Nov. 8) ng gabi kung saan isa sa mga special guest performers si John Lloyd at maituturing na pinaka-highlight ng nasabing concert kung saan hindi magkamayaw ang sigawan ng audience nang lumabas ang binatang aktor. Halatang may conscious factor sa part ni Sarah na kinikilig din sa kanyang kapareha.

Hiyawan din ang mga tao nang nakawan ng halik ni John Lloyd si Sarah.Kung tanggap ng mga tao ang tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo, muling nakapag-create ang Star Cinema at Viva Films ng bagong tambalan sa pamamagitan nina John Lloyd at Sarah nang sirain ng mga ito ang box office record na naitala ng kanilang unang tambalan sa pelikula. Kaya naman, ngayong tapos ang concert ni Sarah sa Big Dome ay sisimulan naman nila ang kanilang follow-up project sa Star Cinema at Viva Films.Sold out ang tickets ni Sarah sa The Next One na pangatlong solo concert na niya sa nasabing venue Nauna na rito ang The Other Side nung 2005 at ang In Motion nung isang taon.

In March next year ay maglilibot na naman si Sarah sa Amerika for her 4th US concert series.Kung nakagawa ang Viva ng isang megastar sa pamamagitan ni Sharon Cuneta, isang gold mine na naman ang kanilang nalikha sa pamamagitan ni Sarah Geronimo na puwede nang taguriang Concert Princess dahil tatlong beses na niyang pinuno ang Araneta Coliseum.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: