Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 12, 2008

Shaina Magdayao, no comment on Sarah Geronimo-Rayver Cruz issue

Shaina Magdayao, no comment on Sarah Geronimo-Rayver Cruz issue

Iwas na iwas ang young actress na si Shaina Magdayao nang tanungin namin siya tungkol sa napapabalitang romance sa pagitan ni Sarah Geronimo at ng kanyang dating ka-loveteam na si Rayver Cruz. Nag-guest appearance kasi siya sa successful concert ni Sarah sa Araneta Coliseum kasama sila Maja, Rayver at Sarah sa isang production number.

Ayaw daw niyang mag-comment tungkol sa Sarah-Rayver issue at imbis na sagutin ang tanong, ay pinatawag ang kanyang handler. Marahil ay umiiwas lang ang aktres na baka maintriga pa siya. Masaya naman niyang binalita ang magandang kondisyon ng kanyang kapatid na si Vina na ngayon ay nagdadalang-tao. "Actually, wala siyang morning sickness. Kaya maganda. Ang gusto lang niya, kumain ng kumain." Dagdag pa ni Shaina, medyo tumaba na nga daw ang kanyang ate na sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa para sa natitira pa niyang mga concert commitments. Matapos daw yun, ay uuwi na muli ito sa Pinas.

Inamin naman ni Shaina na hindi siya close sa ama ng ipinagbubuntis ni Vina na si Cedrick Lee. "Kahit kailan naman eh hindi ako naging close sa mga naging boyfriends ni ate. Pero who knows ‘di ba? Baka in time eh makilala ko rin siya." pahayang ng batang aktres.Napag-alaman din ng ABS-CBN.com na nilalagnat pala si Shaina noong gabing nag-perform ito sa concert ni Sarah. Pero dahil natanguan na daw ang naturang commitment, kaya pinilit nitong makarating. Kaka-celebrate lang din niya ng kanyang kaarawan noong November 16 at masayang binahagi sa amin ni Shaina na pinagdiwang niya ito sa isang orphanage. I

mbis na magpa-party daw siya, ay mas ginusto niyang i-share na lang ito sa mga nangangailangan. Busy rin si Shaina ngayon sa taping ng kanyang bagong show ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Dragonna kung saan makakasama niya sina Alessandra de Rossi at ang nagbabalik na si Carlos Agassi.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

2 comments:

Anonymous said...

may issue ba?????
issue ba na may gusto si sarah k rayver
ang alam ko may non-showbiz BF si sarah at boto si mommy divine

Anonymous said...

naisip siguro ni shaina may dapat nga bang i comment???
wala...kasi wala naman nangyayari kay sarah at rayver...halatang showbiz ang lahat ...TH ang dating ng sarah at rayver issue....issue na ba yung may crush si sarah kay rayver????