Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 12, 2008

Sarah Geronimo, pinag-iinitan!

Sarah Geronimo, pinag-iinitan!

MAY DAHILAN PARA makainitan ng ibang kampo si Sarah Geronimo. Mabait ang singer-actress, walang masamang tinapay para sa kanya, wala rin siyang sinasagasaan sa kanyang pag-angat pero hindi maiaalis na kainitan siya ng ibang sektor dahil sa maingay niyang tagumpay.
Bukod sa napakagaling nang signer ni Sarah, tinangkilik din siya ng publiko bilang aktres.

Napakatagal nang naipalabas ang kanilang pelikula ni John Lloyd Cruz, ang A Very Special Love, pero hanggang ngayo’y nagsasalita pa rin ang malaking tagumpay ng kanilang tambalan.
Minsan pang pinatunayan ni Sarah Geronimo kung gaano kalakas ang hatak niya sa publiko, pinuno niya nang punumpuno ang Araneta Coliseum nu’ng Sabado nang gabi, umuwing maligaya ang mga kababayan natin dahil hindi nasayang ang ipinampanood nila.Hindi kasi nakakulong ang talento ng dalagang ito. Sa kahit anong larangan, maaasahan siya. ‘Yun ang tinatarget ng kanyang mga kasabayan na hindi naman magawa-gawa ng mga ito.

Napakasuwerte ng mga magulang ni Sarah Geronimo, matagal pa siyang magrereyna-reynahan sa entablado ng concert. At napakasuwerte rin ng lalaking makakarelasyon ni Sarah dahil ito ang unang magpapatibok sa puso ng magandang dalaga.

“Puwede na siyang magpaligaw, pero ang pakiusap ko lang sa bahay namin sila dadalaw, hindi sila magkikita ni Sarah sa kung saan-saan lang,” nakangiting sabi ni Mommy Divine.Dapat lang naman.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: