Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 11, 2008

Ruffa Gutierrez-- Bilang Pinoy Version nang "RUBI"

Ruffa Gutierrez-- Bilang Pinoy Version nang "RUBI"

Kinumpirma sa akin nang isa sa aming mga source, na si Ruffa Gutierrez na ang gaganap sa pinay version nang 2005 mexicanovela hit na "RUBI : Ang Bidang Kontrabida". Di umano ay sobrang na natuwa at nagustuhan nang management ang acting na pinapakita ni Ruffa sa teleseryeng " I Love Betty La Fea". Mismong ang CEO na si Gabby Lopez jr. daw ang personal na pumili kay Ruffa.

Sisimulan ang teleseryeng ito pagkatapos nang "I Love Betty La Fea" na nakatakdang magtapos ngayong March 2009 (ito ay kung hindi ito ma extend).Narinig din namin na pinagpipilian daw kina Dawn Zulueta at Aiko Melendez kung kaninu i offer ang role na "Maribel" na kasalukuyan natin napapanood bilang bidang actress sa mexicanovelang "Las Tontas".

Sa makakapareha naman nila balitang napipisil nang management na gumanap bilang "Alejandro" ay si Richard Gomez. Pero mukhang malabo ito, dahil kapuso si Richard at kasalukuyang napapanoon bilang host nang "Family Feud". Malamang ay maghahanap sila o mag pa audition kung sino ang pede, base sa range nang edad nila. Suggestion ko lang bagay kay Gabby Concepcion, John Estrada, Bong Revilla jr., o Aga Mullach yung role.

Matatandaan na napabalita noon na sa Kristine Hermosa ang gaganap bilang Rubi. Ngunit ito ay biglang nagbago.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: