Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 14, 2008

Roxanne, selosa, inggitera at demanding kaya hiniwalayan ng mga naging bf?!

Roxanne, selosa, inggitera at demanding kaya hiniwalayan ng mga naging bf?!
Written by Tita Swarding November 14, 2008

OLA CHIKA! HOW true ang balitang nakarating sa akin na kaya raw umano hiniwalayan ang dalagang actress na si Roxanne Guinoo ng kanyang mga naging boyfriend ay dahil sa sobra itong selosa, demanding at inggitera raw, huh?! Nakakaloka naman ito! Ang mga naging boyfriend na nga raw nito ang nakikipaghiwalay sa kanya, at hindi ang aktres, huh!

Heto pa ang nakarating na chika sa akin. Noong sila pa raw ni Joross Gamboa na dati niyang kasama sa Star Circle Quest, halos away-bati raw ang mga ito sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos. Dahil nga raw sa pagiging selosa at demanding ni Roxanne, kaya hindi na rin daw nakatiis itong si Joross, at ‘yun, hiniwalayan na nga nito ang aktres.

Nito ngang huling relasyon ni Roxanne kay Jake Cuenca, nauwi pa sa kontrobersyal na ‘bugbugan sa Guam’ isyu, na hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang istorya. Pero kaya raw nangyari ang kumprontasyon, dahil sa hindi raw matanggap ni Roxanne na nililigawan na nitong si Jake si Bea Alonzo. Kaya nga raw gumawa ng move ang aktres. Kinumpronta nga niya aktor sa dressing room, na nauwi sa sigawan at bugbugan. Dagdag pa na, ang pagiging selosa, demanding at inggitera rin ni Roxanne ang dahilan, kung bakit hiniwalayan din siya ni Jake, huh! Hindi nga raw ito matanggap ng aktres, kaya hindi naging maganda ang kinalabasan.

In fairness, maganda itong si Roxanne. Nang pumutok nga ang balita ng ‘bubugan sa Guam,’ marami ang nakisimpatiya sa dalaga, kahit hindi pa alam ang puno’t dulo ng istorya, dahil nga sa babae ito at sinaktan, ‘di ba? Sana, makarating ito kay Roxanne, at nang malaman natin kung gaano katotoo ang chika na inggitera, demanding at selosa siya. ‘Yun na!




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

for me totoo yan dami ako naririnig na pangit tungkol dyan k roxanne