Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 13, 2008

Richard, to host a new reality show

Richard, to host a new reality show


Full Force of Nature pala ang title ng reality show na iho-host ni Richard Gutierrez sa GMA-7 simula December 9, at tungkol sa national disaster. Mag-bibigay ng tips ang show kung paano makakaiwas sa disgrasya. Isa ito sa tatlo pang projects na gagawin niya sa first quarter ng 2009 at kasama rito ang Valentine’s movie nila ni KC Concepcion.

Excited na rin ito sa Zorro na balita namin, bu-kod sa training niya sa fencing at horseback- riding, may acting workshop pa siya kay direk Peque Gallaga.

Pero, bago ang Full Force of Nature, panoorin muna si Richard sa finale ng Codename: Asero bukas. Almost two days kinunan ang finale at pinaganda ng husto para matuwa ang sumubaybay nito. May parte sa finale ng series na live mapapanood at bukas ninyo malalaman kung anong parte ito.

Si Richard din ang fight director ng Codename: Asero at thankful ito sa tiwala sa kanya nina direk Mike Tuviera at Mark Reyes. Dito siya napanood na nag-excel sa fight scene gamit ang iba’t ibang klase ng baril at physical stamina and strength.


NITZ MIRALLES
Journal Online



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: