Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 14, 2008

Pokwang ready to accept Joey De Leon’s offer to do a movie

Pokwang ready to accept Joey De Leon’s offer to do a movie




Masayang-masaya ang komedyanteng si Pokwang nang ibalita niya sa amin ang napaka-successful Heartthrobs concert nila ni Piolo Pascual at Sam Milby sa Europe.
“Bonggang-bonggang napakinit nang pagtanggap sa amin ng mga Filipino. At sabik
na sabik sila na sila ay ma-entertain ng mga Kapamilya artists,”
kuwento ni Pokie. Happy rin si Pokwang dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-reunion ng kanyang mga kapatid na naka-base sa Sweden.


Bilang sagot sa interview kay Joey de Leon noong Martes nang magpa-press visit ang kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry na Iskul Bukol, sinabi ni Pokwang na handa siyang tanggapin ang offer ni Joey. Sabi kasi ng TV host, plano nilang isama sa kanilang pelikula sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang.

“Alam niyo naman ako, pagdating sa trabaho hindi ako namimili nang mga
makakasama ko. Kung makapag-papasaya tayo ng mga manood, why not, ‘di ba?”

pa-unang sagot ni Pokwang.



Ayon sa mga nasulat, ang eksena pa daw ay ipapakila ni Joey si Pokwang sa kanyang ina, na siya namang tinawanan ni Pokwang. Banggit pa ni Joey, gusto na niyang ibaon sa limot ang naging biruan nila noon’g “aswang issue”.

“Actually ako, sa akin, wala na sa akin yun. Ang importante, well-blessed ako
ngayon, marami akong trabaho, maraming nagmamahal sa akin. Yung mga gaanong
batu-bato (maliliit na intriga), wala ‘yun. Basta ang iniisip ko na lang kapag
may tumitira sa akin, ay mahal ako ng Diyos!” malumanay na sagot ng komedyana.
At bilang mensahe kay Joey, gustong iparating ni Pokwang na, “Ay sir (Joey),
hinihintay ko po kayong makatrabaho ng bonggang bongga, ‘di ba? Para may
pangdagdag ako sa monthly amortization ko. Thank you, ‘di ba!”

Matatandaang nagkaroon ng issue sa dalawang comedian nang tawagin ni Joey na mukhang aswang si Pokwang sa show ng Eat Bulaga abroad. Ipinagtanggol naman si Pokie ni Willie Revillame sa isang live episode ng Wowowee, kung saan ay co-host nito ang komedyana.


Sa pagtatapos ng interview nagbiro si Pokwang at sinabing tuluyan na nga siyang magiging aswang dahil isang manananggal ang role niya sa pelikulang Dayo, isang animated movie na ipapalabas din sa MMFF ngayong taon.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: