Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 13, 2008

PBB Teen edition 2 finalist, binabahay na ng bakla

PBB Teen edition 2 finalist, binabahay na ng bakla


KAYA pala hindi na nagpursige pang mag-artista ang male PBB Teen Edition 2 finalist ay dahil may mayamang bading na sumusuporta sa kanya ngayon.

Hindi matanda ang bading na lover ng newcomer. Nasa early 20s lang ito, pero super rich. Kaibigan nito ang ilan pang mga showbiz personalities.
Ang PBB Teen 2 finalist ay nakatira sa bandang North. Malapit lang sa lugar nila ang rich gay niyang lover.

May tsismis na noon pa tungkol sa binatang ito bago pa man pumasok sa Bahay ni Kuya. Kung sinu-sino ang nagke-claim na natikman nila ang matangkad na bagets.
Para makasiguro si gay lover na siya lang ang dyowa ng bagets, pinalitan niya ang cellphone at number nito. Lahat ng koneksyon nito sa iba pang bading na natsitsismis din sa bagets ay pinutol niya.

May ilang mga taga-showbiz ang nakakaalam ngayon ng bagong number ng matangkad na newcomer. Pero ang gay lover niya ang sumasagot kapag may nagte-text sa kanya.

“May nag-text nga sa kanya dati na nagpakilalang manager at direktor. Pinapupunta siya sa isang audition. Nangako ring tutulungan niya yung bagets. Pero nabasa ‘yon ng kanyang gay lover. Sinagot niya ang text ng: “No, thank you! Hindi na ako mag-aartista.”


LEO M. BUKAS
Journal Online




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: