Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 9, 2008

Karylle, 3 agad ang regular shows sa Dos

Karylle, 3 agad ang regular shows sa Dos


MIDDLE of December pa ang paglipat ni Karylle sa ABS-CBN dahil tatapusin niya muna ang commitments niya sa GMA-7 pati na ang pagkanta niya ng National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya.

Ayon sa aming source, tatlong regular projects agad ang ibibigay ng ABS-CBN kay Karylle. Isa na rito ay ang ASAP 08 which will give her the chance na makasama (at maka-duet) ang inang si Zsa Zsa Padilla na alam naming matagal na rin niyang gusto.

Ipapasok din siya sa I Love Betty La Fea nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo and we just don’t know yet kung ano ang role na ibibigay sa kanya.

After this ay bibigyan din siya ng isang soap drama na hindi pa rin alam ng source namin ang detalye.

Pero bago ito, unang-una raw muna nating mapapanood si Karylle sa drama anthology na Maalala Mo Kaya.

From another source naman, we learned na tuwang-tuwa ang management sa paglipat ni Karylle lalo na sa pagsali sa ASAP 08 dahil naniniwala sila sa talent ng anak ni Zsa Zsa.

“’Yung timbre ng boses niya, siya lang ang may ganu’n sa younger generation sa ASAP, ’di ba? The same way na iba rin ang boses nina Yeng Constantino and other singers sa ASAP 08. So, napakagandang addition si Karylle sa ASAP 08,” say ng aming source.

Balitang ngayong araw na ito, Sunday, ang last day ni Karylle sa SOP.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: