Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 9, 2008

Kahit itanggi ni Marian, maraming naniniwala na may kinalaman siya sa break-up nina Dingdong at Karylle!

Kahit itanggi ni Marian, maraming naniniwala na may kinalaman siya sa break-up nina Dingdong at Karylle!
Written by Lolit Solis
November 9, 2008

PARANG NAG-NEGA YATA ang dating ngayon ni Marian Rivera pagkatapos inamin nina Dingdong Dantes at Karylle na break na sila.


Marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman dito si Marian, dahil sa sobrang closeness nila ngayon ni Dingdong.


Sabi naman ni Marian, nakasanayan na niya ang ganu’ng intriga kaya wala raw siyang dapat na ipaliwanag, dahil hindi naman daw totoong siya ang dahilan ng break-up. Hindi naman daw niya ugaling mang-agaw ng boyfriend ng iba para magka-boyfriend lang.


Pero marami pa rin ang kumbinsidong may kinalaman siya, kaya dapat na mag-ingat siya at baka makaapekto ito sa pelikula nilang One True Love.


Sana nga isali rin sa promo si Iza Calzado para medyo mabalanse at hindi lang mabaling kay Marian ang isyu.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: