Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 9, 2008

“I wouldn’t find it hard to fall in love with Maja Salvador!” – Geoff Eigenmann

“I wouldn’t find it hard to fall in love with Maja Salvador!” – Geoff Eigenmann

Written by Eddie Littlefield
November 9, 2008

AT LAST, NAKAKUHA na ng katapat si Geoff Eigenmann sa katauhan ni Maja Salvador as her leadinglady sa bago nilang soap na Moon River (tentative pa ang title). They are perfect together as love team, bagay na bagay silang dalawa, may chemistry talaga! Parehong angkan ng mga artista, (Eigenmann and Salvador clans) ang kanilang pinagmulan kaya hindi naging mahirap kay Direk Mae Cruz kuhanan ang romantic scenes ng dalawang youngstar.
“Kasi naman, relax sila sa isa’t isa and they both like each other’s company. I’m so happy and excited everytime na may shooting kami, masarap kasi silang katrabaho, very professional ang always on time sa set. I’m sure their fans will love them both ‘pag pinalabas na itong teleserye nina Geoff and Maja,” intro ni Direk Mae.


Reaction ni Geoff nang malaman niyang si Maja ang magiging leadinglady niya? “I’m so excited about it, I’m a good friend of Maja, we work before na, nagkasama na rin kami sa Pedro Penduko
and a few guestings on TV, ngayon na ‘yung official launching ng soap namin together. Nandoon na ‘yung chemistry so, I’m really looking forward working with her again dito nga sa bago naming soap.”


Working relationship with Maja, how is it? “Kahit magkahiwalay kami, wala kami sa set, nagte-text kami, were good friends.”


‘Yung pagiging good friends ninyo, puwede bang mauwi sa something beautiful? “Siguro, in any relationship naman the best start is really good friendship. ‘Yun ang basic, maganda ‘yung simula tuloy-tuloy na. Let see what will happen, nagsisimula pa lang naman, if it goes that way, it could be something beautiful for both of us.”


Ano ‘yung qualities ni Maja na nagustuhan mo? “Marami, wala akong nakitang fault sa kanya. Masaya siyang kasama, that’s one thing, lagi siyang naka-smile. She make it to the point na papakainin niya ako, patatawanin. She’s very caring! Wala talaga akong makita sa kanya na hindi ko magugustuhan.”


Parang sinabi mo na may possibility na mahalin mo si Maja? “Yeah, I wouldn’t find it hard to fall in love with her.”


As of now, is there someone special? “Kasi, I came from a long relationship, I’m very happy now, whatever my status is, I’m enjoying my life.”


What happen to your past relationship? “Maraming naging conflict sa relationship ko in the past 6 years. I’m already 23, non-showbiz ‘yung last relationship ko. The reason, not bad. One of the reason na naisip namin, we better off as friends, so far so good.”


Siguro naman this is the right timing for you and Maja? “Hindi naman ako naghahanap kasi, kapag naghahanap ka hindi darating sa ‘yo,” say ni Geoff. Hindi nga naman dapat hanapin pa dahil nasa tabi lang ang mamahalin niya, sagot namin. Biglang tumawa nang malakas ang guwapong aktor.


Sa physical na kaanyuan, anong parte ng katawan ni Maja ang gusto mo sa kanya? “Ang dami, face pa lang niya sobrang ganda na, Pinay na Pinay ang beauty. Pinay beauty, that’s what I like most, walang tatalo para sa akin, that’s it! Sa physical, wala akong masasabing hindi maganda sa kanya, I love the way she smiles. Nakakagaan ng feeling. Her eyes, also very expressive, kapag magka-eksena kami, nadadala ako sa eksena namin.”


As an actress, magaling ba si Maja? “I wouldn’t be the the judge of how her acting is, marami naman ang nagsasabing magaling si Maja. Even my mom says she’s very good. She knows what she’s doing. I guess, just like me, marami pa rin siyang dapat pag-aralan. Kita naman sa credentials niya, she worked with the great directors, great actresses. I think she had proven her self very well.”


Pointers na ibinibigay ng parents ni Geoff as an artist? “Ang dami, actually sila ‘yung non-stop critics, like my Dad, especially my Mom. So, everything na ginagawa ko, naming magkakapatid, laging pinapanood nila, they criticize nga. Now, my Dad and my Mommy, they are really happy in the past things I’ve done. ‘Yung mga problem lang talaga before, ‘yun lang ‘yun but now, they are really happy about what they see, I improve a lot,” pahayag ng young actor.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: