Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 9, 2008

Gretchen Barretto, libangan lang ang pagho-host ng game show!

Gretchen Barretto, libangan lang ang pagho-host ng game show!
Written by Julie Bonifacio
November 9, 2008

NAGSIMULA NA SI Gretchen Barretto na mag-taping para sa pinakabagong show ng TV5, ang game show na You & Me Against The World. Last Thursday, 48 members of the press ang naimbitahan to play the game as the “world” against the celebrity player at original host ng dating game show din sa Singko na Sing-Galing, ang magkaibigang sina Ai-Ai delas Alas at Arnell Ignacio.


Ikalawang episode na ‘yun na nai-tape ni Grethcen for her new show at ipalalabas on November 30, Sunday. So, posibleng makatapat nito ang The Singing Bee ni Cesar Montano sa ABS-CBN at ang All-Star K Videoke Challenge ng GMA 7. Sina Lucy Torres at John Estrada ang unang episode na itinape ni Gretchen for You & Me Against The World.


As expected, pampered na pampered si Gretchen ng staff at ng TV5. Apat na anggulo ni Grethcen, may teleprompter siya, bukod pa sa isang malaking nakasabit sa kanyang harapan sa bandang itaas ng studio. Si Gretchen lang ang host ng isang game show na nakasuot ng shorts.


Kering-keri niya ang black V-strapped bareback blouse na may sequins sa dibdib at black shorts with matching fishnet stockings. Syempre pa, agaw-pansin ang black and silver na Christian Loboutin na shoes niya na pinirmahan pa raw ng mismong designer ng kanyang shoes.


Win si Ai-Ai sa episode na ‘yun ng P390,000 plus another same price para sa kanyang mga charities. Bukod doon, binigyan pa siya ni Gretchen ng Louie Vitton bag at Marc Jacobs na spaghetti strapped black cocktail dress dahil nag-ask siya ng help sa fabulous host ng You & Me Againts The World.


In fairness sa TV5, nauna na silang namigay ng pamasko sa entertainment press, huh!



NAKATUTUWA NAMAN SI Arnell Ignacio habang naglalaro sa You & me Against The World. Walang takot na inookray niya si Gretchen habang nagti-taping, na cute naman kaya pati ang partner ng owner ng TV na si Tony Boy Cojuangco, aliw na aliw sa komedyanteng host.
Enjoy na enjoy si Gretchen sa pagho-host ng show and during breaks hinuhubad talaga niya ang kanyang expensive shoes at stockings lang ang sapin niya sa kanyang paa. Kaya parang naglalaro lang si La Greta at nagbiro na libangan lang niya ang show.


“Buti pa siya libangan lang ang ginagawa niya samantalang tayo (Ai-Ai), para sa kabuhayan showcase ng pamilya natin,” sabay tawa ni Arnelli.


At sa respeto’t pagmamahal ni Arnell sa entertainment press, hindi niya kinarir ang mga sagot niya. Kaya hayun, siya ang unang natanggal. Pero hindi agad umalis si Arnell at nag-stay pa siya kasama ang world sa panel sa itaas ng stage.


Pagkatapos ng taping ng You & Me Against The World nagkita ulit kami ni Arnell sa birthday party ng owner ng Barracks bar, Serve disco bar at Klownz Quezon Avenue and Zirkoh Timog na si Lito Alejandria. Bitbit pa rin ni Arnell ang 81-year old na si Lola Madonna na una naming napanood kasama niya sa Katok Mga Misis.


Hanggang ngayon, hindi pa rin daw sila nagkikita at nagkakausap ng nakahiwalayang misis niya na si Frannie, three days after their civil wedding. Wala namang plano si Arnell na ipa-annul pa ang kasal nila. Wala na rin daw kasi siyang balak maghanap pa ng iba.
Kahit wala pang kasunod na TV show si Arnell sa GMA 7, okey lang sa kanya dahil happy and stable naman ang family niya. Nagpapatayo ngayon ng bahay si Arnell sa bandang Congressional Ave. kung saan tatakbo siya bilang konsehal sa 2010 election.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: