Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 9, 2008

Does Sam really intend to court KC?

Does Sam really intend to court KC?











Malakas ang umuugong na balita ngayon na sinabi umano ni Sam Milby na nagbabalak siyang ligawan ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion. Marami ang naghahanap ng kasagutan lalo pa't mainit pa rin ang issue na pagbi-break nina Sam at dating girlfriend na si Anne Curtis.

Sa POV (Points, Opinion, and Violent Reactions) segment ng The Buzz kahapon, Nobyembre 9, isiniwalat ng host na si Ruffa Gutierrez na sinabi umano sa kanya ni KC na church-mate niya si Sam, kung kaya't hindi malayong nagku-krus ang landas nila. Pero sa tingin ni Ruffa at Boy Abunda ay wrong timing ang pag-uugnay sa dalawa dahil kagagaling pa lang sa breakup ni Sam with Anne.

Nang tanungin ni Kris Aquino si Ruffa kung ano ang reaksyon ng kapatid nitong si Richard Gutierrez with regards to the issue, sumagot si Ruffa na kailangan pa niyang tanungin ang nakababatang kapatid. Matatandaan na si Richard ang sinasabing boyfriend ni KC nang gawin nila ang pelikulang For The First Time.

Meanwhile kakabalik lamang ni KC mula sa bakasyon ng kanilang buong pamilya sa US at Carribean. Nilibot nila umano ang Jamaica, Mexico, Grand Cayman tsaka Haiti. "It was fun sobrang saya kasi magkakasama kaming buong pamilya," ani KC. "Tapos ang stopover namin sa Miami tapos lumipad kaming Los Angeles para makipagkita sa mga relatives namin sa California."





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: