Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 14, 2008

‘Di pa man nagiging sila Rachel Ann Go iiwan na ni Gab Valenciano!

Di pa man nagiging sila Rachel Ann Go iiwan na ni Gab Valenciano!
Written by Pilar Mateo November 14, 2008


PROBLEMATIC ANG SECOND child nina Angeli Pangilinan at Gary Valenciano na si Gabriel o Gab.

Sa Marso 2009 pala, lilipad na ito pa-Amerika para mag-aral sa Fullsail University sa Florida to take up a course na may kinalaman sa video editing at iba pang mga bagay na kunektado pa rin naman sa musika. Aabutin daw siya ng 2-3 years sa pag-aaral doon.

Pero, nabalitaan na natin na mukhang tumibok ang puso ng binata sa singer na si Rachel Ann Go, nang aminin naman nilang exclusively dating na nga sila. Kaya nang tanungin namin ang binata, na kasama sa Live@25 anniversary concert ng kanyang Dad ngayong gabi (November 14) at bukas ng gabi (November 15) sa Araneta Coliseum, kung saang level na niya mailalarawan ang relasyon nila ni Rachel, nasa pagiging magkaibigan pa rin daw.

“But she is really a very special girl for me,” pormal nitong tinuran. But if it’s God’s will naman daw na sa kalaunan eh, sila pa rin ang magkatuluyan matapos nilang asikasuhin ang kani-kanyang mga career at responsibilidad, he’ll be more than happy siyempre. Makapag-wait kaya si Rachel Ann? SAMANTALA, KUNG NALULUNGKOT naman si Gab, mukhang there is every reason naman para magsaya ang panganay na si Paolo. Dahil ibinuking na ng Dad niya, pati na ni Gab na next year naman, plano na ni Paolo na lumagay sa tahimik. Kaya, nakatakda na rin daw itong mag-propose at mamanhikan sa magiging mga biyenan niya.

Two and a half years na ang relasyon ni Paolo sa dalaga nina Gina Tabuena at Jaime Godinez na si Samantha. Si Gina eh, kapatid naman ng best friend ni Gary, na sino pa ba? Si Martin Nievera! Kaya, mukhang talagang magkakadikit na ang mga pusod ng mga Valenciano at Nieveras.
Masarap na sabay na interbyuhin ang dalawang binata nina Gary at Angeli na naghanda rin ng kani-kanilang mga sorpresa para sa Live@25 na hindi pa raw nila nagagawa sa anumang shows na sinalangan nila kasama ang ama.

Nakapagkuwento rin si Paolo ng isang hindi magandang experience nila in a concert tour na nangyari sa Canada, kelan lang. Doon nga raw niya nakita ang dinanas na sama ng loob ng kanyang ama, dahil sa naging kapabayaan ng promoters and producers ng kanilang show. Kaya ngayon, hands-on si Paolo sa pagtulong sa pag-aasikaso ng concert ng ama, at siya pa ang gumawa ng mga promotional t-shirts nito.

Ready naman na ba sina Gary at Angeli sa pagpapakasal ng anak soon?

Sabi kasi ni Paolo, 19 ang Dad niya when he was born. At thankful nga raw silang magkakapatid for that dahil para nga lang nilang best friends ang parents nila. Isa rin ‘yun sa gusto ni Paolo. Na maging ama na when he’s 25 para hindi raw masyadong malaki ang gap na pagsasaluhan nila ng mga magiging anak.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: