Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, November 13, 2008

Cameras for Jericho-Kristine project have started rolling

Cameras for Jericho-Kristine project have started rolling





All smiles si Jericho Rosales nang makausap namin siya noong isang linggo at masaya niyang binalita sa amin ang mga projects na pinagkakaabalahan niya ngayon. Una, ang pelikula niyang Baler kung saan makakasama niya ang aktres na si Anne Curtis. Entry ito ng Viva Films para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival at maaga pa lang ay puno na ng intriga ang nasabing pelikula.


Kontrobersyal ang pag-pullout ni Direk Wenn de Ramas sa alaga nitong si DJ Durano sa nasabing pelikula. Ayon sa mga kumakalat na balita, lumabas kasing "extra" lang si DJ sa pelikula. Wala namang gaanong nai-comment si Echo tungkol dito. "Nagulat na nga lang din ako, one day hinahanap siya sa set." Ang pagkakapullout daw kay DJ ay hawak na ng mga producers at pinapanalangin niyang maayos na ang lahat.



Pangalawa, kinumpirma ni Echo ang pag-uusap ng ABS-CBN management tungkol sa comeback teleserye nila ng kanyang dating ka-loveteam na si Kristine Hermosa. Wala pa siyang maibigay na detalye tungkol sa magiging istorya o takbo nito, pero sobra na siyang excited sa pagta-trabaho nila ni Tin. Kapansin-pansin din ang bagong hairdo ni Tin na sinasabing part ng come back project niya with Echo.



Pangatlo, tuloy na tuloy na rin ang episode nila ni Kristine para sa Maaalala Mo Kaya. Noong Lunes nagsimulang gumiling ang kamera para sa kanilang MMK special. Tikom naman ang bibig ni Echo sa plot o istorya ng kanilang episode, pero inamin niyang naka-ilang revisions daw sila sa script.


"Finally, magsisimula na kami ng taping ng MMK. Oo nga e, naka-ilang revisions
kami kasi gusto namin talagang maganda yung material na gagawin namin."

pahayag ni Echo.


Masaya si Echo sa kanyang mga projects at sa mga magagandang feedback na nakukuha ng kanyang teleserye na Kahit Isang Saglit. Sana raw ay magtuloy-tuloy lang ang mga ito sa susunod na taon.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: