Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 9, 2008

Alfie Lorenzo, happy with Judai and Ryan

Alfie Lorenzo, happy with Judai and Ryan











Finally ay pumirma na ng kontrata si Judy Ann Santos with ABS-CBN noong nakaraang linggo, kung saan dumalo rin ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo, together with Kapamilya executives ABS-CBN President Charo Santos-Concio, business unit head Deo Endrinal at Senior Vice President for entertainment Cory Vidanes.

Matatandaang na-delay ang pagpirma ng kontrata ni Judai dahil ninais muna niyang pag-aralang mabuti ang kanyang contract. Eventually pinagmulan din ito ng malaking tampuhan sa pagitan nila ni Alfie dahil hindi nagustuhan ng huli ang pagkonsulta ng aktres sa isang abogado. But all is well that ends well now since nakipag-ayos si Judai agad sa kanyang manager.

Muling ikinuwento ni Alfie kung paano siya sinuyo ni Judai nang nagalit ito sa aktres. "Ayun napanuod niya ata sa TV tapos pinuntahan niya ako and said sorry," kuwento ng kontrobersyal na talent manager at entertainment columnist. Pinayuhan din niya umano ang aktres upang hindi na sila magkasirang muli. "Message ko nga sa kanya (Judai) wala namang bayad ang consultation sa akin, eh. 'Pag tinext kita, sumagot ka kasi kung minsan patay 'yung celfone niya," lahad ni Alfie. "Minsan nasa PA niya (ang cell phone), minsan naman cannot be reached. Hindi pwede 'yan sabi ko kung cannot be reached ka, maghihirap ka," pagbibiro pa nito.

Samantala, nagpahayag din siya ng katuwaan sa rumaratsadang karera ng fiance ng kanyang alaga na si Ryan Agoncillo, ani Alfie, ngayong medyo lie-low muna si Judai sa mga projects ay tama namang si Ryan humahataw. "Ipagpatuloy mo 'yan Ryan, kasi magastos si Judai eh," sabay tawa nito. "Kaya magtrabaho ka ha, work yourself to the bones."






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: